Nasa kapangyarihan ng Senado na gampanan ang tungkulin nito bilang isang impeachment trial court.
Ito ang naging tugon ni House Lead Prosecutor at Batangas 2nd district Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro sa tanong ng Radyo Pilipinas World Service tungkol sa lebel ng kumpiyansa ng prosecution panel na mabuksan ang kontrobersyal na BIR Box sa impeachment trial.
Ayon kay Representative Luistro, batay sa konstitusyon, malinaw na nasa Senado ang eksklusibong kapangyarihan na desisyunan ang ano mang usapin na nakapaloob sa impeachment trial.
Ang pagbubukas ng BIR Box, na naglalaman ng Income Tax Return ni VP Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio, ay bahagi ng ebidensyang nais ilatag ng prosecution panel sa ilalim ng Article 2 o unexplained wealth sa impeachment trial.