Pinaigting pa ng Philippine Air Force (PAF) at Bureau of Soil ang Water Management ang kanilang kolaborasyon at pagtutulungan para palakasin ang Cloud Seeding Operations.
Ito’y kasunod ng pakikipagpulong ni Bureau of Soils Officer-In-Charge, Dir. Denise Solano kay Air Force Weather Center head, Col. Hermilino Calubiran Jr. noong isang linggo.
Nakatuon ang pagpupulong sa operational requirements, coordination mechanisms at paghahanda ng mga kinakailangang suporta para sa napapanahong pagsasagawa ng cloud seeding.
Kabilang ang Cloud Seeding sa mga hakbangin ng Pamahalaan upang maibsan ang epekto ng El Niño partikular na sa mga lupang sakahan na lubhang maaapektuhan nito.
Sa pamamagitan ng nasabing hakbang, makatutulong ito upang mapunan ang tubig sa mga irigasyon na magpapanatili naman sa produksyong agrikultural at makatulong sa kabuhayan ng mga magsasaka.

