Pinakukumpleto ng liderato ng Philippine National Police (PNP) sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa lahat ng mga support force nito ang kanilang deployment plan at contingency measures.
Ito’y para sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa huling Lunes ng buwan o sa July 27.
Ayon kay PNP Chief, Police Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nasa huling yugto na sila ng pagpaplantsa ng seguridad para sa naturang okasyon alinsunod sa direktiba ng Pangulo na tiyaking ligtas, maayos at mapayapa ang pagdaraos ng SONA.
Una nang inanunsyo ng PNP na magpapakalat ito ng mahigit 20,000 tauhan para tiyakin ang seguridad sa taunang ulat sa bayan ng Pangulo katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).
Pinaalalahanan din ng PNP Chief ang lahat ng tauhan nito na pairalin ang maximum tolerance, manatiling propesyunal at igalang ang karapatan ng bawat rallyista salig sa ginagarantiya naman ng konstitusyon.