Photo courtesy of Department of Labor and Employment (DOLE)
Sinabi ni Labor Secretary Francis Tolentino na nakatakda siyang makipag meeting kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac para suportahan ang overseas Filipino workers (OFWs) na balik-bansa at wala nang planong magtrabaho abroad.
Aniya, isang memorandum of agreement ang lalagdaan nila ni Secretary Cacdac kung saan nakasaad dito ang pagkakaloob ng tulong sa mga OFW at pamilya nito.
Kabilang dito ang pagbibigay ng libreng pagsasanay para sa mga dating OFW na nais nang manatili sa bansa at dito na nagdesisyon na magtrabaho o kaya ay magnegosyo.
Paliwanag ni Sec. Tolentino, hindi ito magiging limitado sa mga OFW na umuwi mula sa Middle East kung saan may nagaganap na kaguluhan kung hindi maging sa iba pang panig ng mundo.
Sinabi pa ng kalihim, na nakahanda ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sumuporta sa OFWs na walang plano na mag-ibang bansa para magtrabaho, kung saan maglalaan sila ng mga programa na magbe-benipisyo ang kanilang sarili at pamilya.