LLDA
Nanawagan ang Laguna Lake Development Authority sa publiko na magbigay ng impormasyon upang matukoy ang pinagmumulan ng polusyon sa mga ilog at bahagi ng Laguna de Bay.
Ayon sa LLDA, mahalaga ang mga ulat tungkol sa pagbubula ng tubig, pagbabago ng kulay, at mabahong amoy para agad silang makapagsagawa ng imbestigasyon.
Gayunman, sinabi ng ahensya na kailangan ang eksaktong lokasyon ng pinagmumulan ng kontaminasyon upang matukoy ang mga posibleng lumalabag.
Hinimok din ng LLDA ang mga Pollution Control Officers ng mga kumpanya na makipagtulungan sa pagtukoy sa ilegal na pagtatapon ng dumi o kemikal.
Hinihingi ng ahensya ang mga detalye tulad ng lokasyon ng drainage pipe, oras ng discharge, at iba pang ebidensya upang mapabilis ang aksyon.
Ayon sa LLDA, mahalaga ang kooperasyon ng publiko at industriya para mapanagot ang mga responsable sa polusyon. | ulat ni Rey Ferrer