Nasa may pitong milyong pamilyang Pilipino na ang nabenepisyuhan ng tuloy-tuloy na inisyatiba ng gobyerno na makatanggap ng libreng bigas.
Ito ayon kay Executive Secretary Ralph Recto ay sa gitna ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguraduhing aabot ang naturang programa ng gobyerno sa lahat ng tao.
Sinabi ni Recto na mahigpit ang bilin ng Punong Ehekutibo na tiyaking walang Pilipino ang magugutom, lalo na ang mga nangangailangan, at patuloy na makikinabang sa mga programa ng pamahalaan.
Dagdag ni Recto na kasama din sa programa ang pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka.
Sa pamamagitan aniya ng pagbili ng palay mula sa mga magsasaka ay magpapatibay ito sa dobleng benepisyo ng programang itinataguyod ng administrasyon na regular na alokasyon ng 10-kilong bigas sa pamamagitan ng Bagong Pilipinas Rice Program.