Walang pagkukumahog sa panig ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para lang may maihabol na accomplishment sa gagawin nitong State of the Nation Address (SONA) nito sa Lunes.
Ito ang binigyang-diin ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa gitna ng pahayag ng ilang kritiko ng Punong Ehekutibo na nagdo-double time ito para makapagbigay ng kanyang report sa SONA.
Ayon kay Castro, kung nagkukumahog man ang Pangulo ay hindi dahil sa SONA kundi dahil sa nais pa nitong marami pa siyang magawa sa taumbayan.
Kulang na kulang ani Castro sa oras ang Punong Ehekutibo para maihatid ang lahat ng kailangan ng ating mga kababayan.
At para sa mga tagapuna ng Pangulo, mas makabubuti ani Castro na lawakan nila ang kanilang pag-iisip, buksan ang mga mata at tainga para mapagtanto kung ano na ba ang nagawa ng Pangulo.