Para mapabilis at mas transparent ang pamamahagi ng UPLIFT Assistance, ginawa nang digital ang verification ng mga benepisyaryo ng programa sa Aroroy, Masbate.
Sa unang payout nitong Lunes, humigit-kumulang 500 benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay sa Aroroy ang nakatanggap ng tig-₱2,000 na cash assistance. Kabilang dito ang mga poor at near-poor households na natukoy ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pamamagitan ng Community-Based Monitoring System (CBMS).
Sa ilalim ng digitalized payout, isinagawa ang beripikasyon gamit ang BBM Serbisyo Portal at PhilSys National ID para matiyak na ang tulong ay mapupunta sa tamang benepisyaryo at maiwasan ang identity fraud, duplicate claims, at mga “ghost beneficiaries.”
Kasunod nito, gagamitin na rin sa mga susunod na payout ang Government-to-Person (G2P) digital payment system para sa mas ligtas na pamamahagi ng ayuda.