Dating Speaker Martin Romualdez, haharapin ang reklamo sa Ombudsman at walang planong umalis ng bansa
Walang balak na umalis ng bansa si dating House Speaker at kasalukuyang Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez.
Ayon sa kanyang tagapagsalita na si Atty. Ellaine Atienza, nakahanda silang sagutin ang reklamong inihain sa Office of the Ombudsman kapag pormal nang naisilbi sa kanya ang kopya nito.
Ito ang sagot ng kampo ng dating Speaker sa lumalabas na pahiwatig na nagtatago o umiiwas ang mambabatas sa proseso ng batas.
Giit ni Atienza, gaya ng ginawa ni Romualdez noong hinarap niya ang ICI, haharapin din niya ang Office of the Ombudsman.