Para kay House trial spokesperson Zia Alonto Adiong, hindi na siya umaasa na personal pang haharap si VP Sara Duterte sa kanyang impeachment trial sa Senado.
Ayon kay Adiong, matagal na nilang hinahamon ang Bise Presidente na humarap sa paglilitis, subalit sa paulit-ulit nitong hindi pagdalo sa mga nakaraang pagdinig, sumuko na silang makita itong magpaliwanag nang personal.
Layunin sana ng pagharap ni Duterte na masagot ang mga alegasyon ng unexplained wealth at ang mga natukoy na hindi pagtutugma sa kanyang mga ulat-pinansyal o financial discrepancies.
Aniya, ang patuloy na pag-iwas ng Bise Presidente na harapin ang mga usaping ito ay lalo lamang nag-iiwan ng malaking katanungan sa publiko kung kaya ba talaga nitong ipaliwanag ang mga kuwestiyonableng halaga.
Inilabas ni Adiong ang pahayag na ito bago ang nakatakdang pagpapatuloy ng impeachment trial sa November 9, kung kailan inaasahang magsisimula nang magprisinta ng mga ebidensya ang defense team ni VP Sara.