Photo courtesy of Lukas Coch/AAP, The Guardian
Tinanggap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang karagdagang suporta ng Australia para sa pagpapaunlad ng aerial at maritime drone capabilities at pagsasanay ng ahensya mula 2026 hanggang 2030.
Inanunsyo ni Australian Foreign Minister Penny Wong ang tulong sa pagbisita nito sa BRP Teresa Magbanua sa Pier 15, Port Area, Maynila.
Sinalubong si Wong nina Department of Transportation Senior Undersecretary Mark Steven Pastor at PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, palalalimin ng programa ang kooperasyon ng Pilipinas at Australia sa maritime security, maritime safety at pangangalaga sa interes ng bansa sa karagatan.
Nagpulong din sina Wong at Gavan upang talakayin ang mga paraan para mapalawak pa ang bilateral maritime cooperation.