Kasunod ng ruling ng Senate Impeachment Court sa pag-subpoena ng financial transactions ni Vice President Sara Duterte, malinaw nang makikita ng Senator- judges kung may katotohanan ba ang alegasyon ng “unexplained wealth”.
Ayon sa House prosecution panel, ang mga naturang dokumento ang magiging susi upang maikumpara ng mga senador-judges ang idineklarang yaman ng bise presidente laban sa kanyang tunay na kita at mga pagmamay-ari.
Paliwanag ni private prosecutor at prosecution spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., layunin ng prosekusyon na suriin ang SALN, BIR Filings, at ang bank at AMLC Records kung balanse ba ito.
Nilinaw naman ng prosekusyon na ang pagpapalabas ng subpoena ay isang hakbang pa lamang upang makuha ang mga ebidensya at hindi pa nangangahulugan ng pinal na hatol sa kaso.
Ayon kay Tolosa, major victory ito para sa katotohanan, transparency at accountability.