Muling pinagtibay ng Pilipinas at ng Amerika ang matagal ng pagiging magkakampi sa isa’t isa na nasa siglo na ang dinaanan.
Kasunod ito ng naganap na pagpupulong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at nina U.S. Ambassador to the Philippines Lee Lipton at U.S. Ambassador to India Sergio Gor sa Malacañang.
Nag-courtesy call ang dalawang diplomat ng Estados Unidos kay Pangulong Marcos na naglalayon ding palakasin pang lalo ang regional cooperation, economic ties, at digital trade ng Pilipinas at ng US.
Sa kanilang pagkikita ay pinagtibay din ng mga ito ang magkatuwang na paninindigan sa pagpapanatili ng isang malaya at bukas na Indo-Pacific.
Sa Facebook post ng Pangulo ay inihayag nitong pakay ng naganap na pagpupulong ang higit pang pagpapalalim ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, kasabay ng paggunita sa ika-80 anibersaryo ng ugnayang diplomatiko ng dalawang bansa at ika-75 anibersaryo ng Mutual Defense Treaty.
📸 PCO
