Patuloy ang pagsasanay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Hawaii kasama ang iba pang uniform personnel sa ibang bansa.
Sa Rim of the Pacific (RIMPAC) Exercise 2026 nakibahagi ang PCG sa Maritime Interdiction Operations exercise.
Sa pagsasanay, gumanap ang BRP Gabriela Silang at isa nitong Rigid Hull Inflatable Boat o RHIB bilang pinaghihinalaang sibilyang fishing vessel na sangkot sa ilegal na aktibidad sa dagat.
Nagpakita ang PCG ng mga kahina-hinalang galaw ng barko upang maging makatotohanan ang senaryo.
Isinagawa naman ng pinagsamang boarding team mula sa United States Coast Guard Cutter
Kimball at Mexican Navy ARM Juárez ang tactical boarding operation, habang ang mga tauhan ng PCG Maritime Security Response Group o MSRG ang gumanap bilang mga tripulante ng barko.
Layunin ng pagsasanay na hasain ang kakayahan ng mga kalahok sa vessel interdiction procedures, threat assessment, at koordinadong boarding techniques sa isang makatotohanang sitwasyon.