Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na on top of the situation sila pagdating sa nararamdaman na namang pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo bunsod ng pagtindi na naman ng tensiyon sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, bagama’t hindi hawak ng Pilipinas ang galaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado, may magagawa naman ang pamahalaan upang kahit papaano ay salagin ito.
Kabilang na rito ang Fuel Subsidy para sa public utility vehicles at ang mga inisyatiba ng pamahalaan sa pagpapalakas ng green at renewable energy.
Binigyang-diin din ni Garin na nananatiling sapat ang imbentaryo ng langis ng bansa, at hindi rin tumitigil sa pagbili ng langis ang pamahalaan.