Kinukondena ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkasugat ng isang tauhan ng Philippine Navy matapos hampasin sa ulo ng kahoy na baton ng miyembro ng China Coast Guard habang nagsasagawa ng rotation and resupply mission sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, sinusuportan ng Punong Ehekutibo ang mga nauna ng statement na inilabas nina Defense Secretary Gilberto Teodoro, AFP at ng DFA kaugnay ng nasabing insidente.
Unacceptable ani Castro ang insidente ng pananakit at gagawin aniya ng pamahalaan ang diplomatikong aksiyon ukol dito.
Inihayag ni Castro na ang bagong Pilipino ay handang ipaglaban ang karapatan at hindi tumatakbo sa laban.
Hindi aniya pasisiil ang mga Pilipino kailanman at hindi aniya ninanais ni Pangulong Marcos na mangyari ang ganitong hindi katanggap-tanggap na insidente sa ating mga Filipino servicemen.