Screenshot
Nanindigan ang Office of the Ombudsman na wala pa silang natatanggap na counter-affidavit mula sa kampo ni Senador Robin Padilla at dating Acting Senate Sergeant at Arms Mao Aplasca.
Ito ang naging pahayag ni Assistant Ombudsman Mico Clavano kasunod ng naging pahayag ni Senador Padilla na nakapagpasa na sila ng counter-affidavit, kung saan ipinakita pa ng abogado nito ang orihinal na kopya ng counter-affidavit.
Sagot naman dito ni Clavano na wala pa silang natatanggap na anumang counter-affidavit sa kanilang sistema, at dahil lumagpas na sa deadline ang pagpapasa ng counter-affidavit, tanging si Senador Alan Peter Cayetano lamang ang nakapagpasa ng nasabing dokumento.