Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na magsasagawa ang Iglesia Ni Cristo (INC) ng aktibidad sa mismong araw ng SONA sa Jult 27 bilang pagdiriwang ng ika-112 na Founding Anniversary nito.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., nakatakda silang makipag-ugnayan sa pamunuan ng INC upang pag-usapan ang mga paghahanda, kabilang ang lugar na pagdarausan ng pagtitipon.
Sinabi rin ni Nartatez na magbibigay ang PNP ng kaukulang seguridad sa aktibidad dahil inaasahang aabot sa 100,000 ang mga makikibahagi rito.
Nakahanda na rin aniya ang traffic management plan sa Commonwealth Avenue, kabilang ang pagpapatupad ng zipper lane.
Maglalagay rin ang PNP ng no rally zone, mga barrier, at Civil Disturbance Management personnel upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa lugar.