Kinumpirma ni Communications Usec. Claire Castro na mayroong ibinigay na travel authority ang Malacañang kay Vice President Sara Duterte para sa personal trip nito sa limang bansa.
Partikular na ang mga bansang Qatar, Germany, UK, Northern Ireland, at Netherlands mula July 16-31, 2026.
Una nang kinumpirma ng OVP na nasa The Hague si VP Sara, sa gitna ito ng nagpapatuloy na impeachment trial laban sa kaniya.
Sa ilalim ng umiiral na mga patakaran sa foreign travel ng mga opisyal ng pamahalaan, kinakailangang magkaroon ng travel authority mula sa Office of the President (OP) ang Vice President bago bumiyahe sa ibang bansa, mapa-opisyal man o personal ang dahilan ng pag-alis. | via Racquel Bayan