Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek sa pagpaslang sa vlogger na si Alicia Lipata sa Caloocan City.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co, pinaniniwalaang mga miyembro ng isang sindikato ang dalawang suspek na umano’y inupahan upang isagawa ang krimen.
Sinabi ni Co na natukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa pamamagitan ng backtracking at forward tracking ng CCTV footage, gayundin sa mga pahayag ng mga testigo at mga nakalap na ebidensya.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng pulisya upang matunton at madakip ang dalawang suspek.
Napag-alaman din na ang isa sa kanila ay nahaharap na sa mga kasong kriminal. | ulat ni Diane Lear