Photo by Senate of the Philippines FB
Tiniyak ni Senate Blue Ribbon Commiittee Chair Senador Erwin Tulfo na itutuloy ng kanyang kumite ang pag-iimbestiga sa flood control anomaly.
Ayon kay Tulfo, posibleng kabilang sa maimbitahan sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at PTV-4 General Manager Lino Cayetano sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Blue Ribbon partikular sa flood control anomaly sa Taguig City.
Pinaliwanag ni Senator Erwin na naging alkalde ng Taguig si Lino Cayetano mula 2019 hanggang 2022 at ito mismo ang humingi ng imbestigasyon.
Una naman nang itinanggi ng Minority leader na may ghost flood control projects sa Taguig City.
Sinabi ni Tulfo na ipagpapatuloy ng kumite ang imbestigasyon sa flood control anomaly oras na pormal na mabuo ang kumite sa pagbabalik sesyon nila sa susunod na linggo.