Screenshot
Pinatitiyak ng Office of the Ombudsman na hindi makalalabas ng bansa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez.
Ito’y matapos makatanggap ang Ombudsman ng intelligence reports na ilang beses umanong nagtangkang umalis ng Pilipinas si Romualdez sa kabila ng umiiral na Precautionary Hold Departure Order (PHDO) na inilabas ng Sandiganbayan.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, nananawagan ang kanilang tanggapan sa lahat ng kaukulang ahensya na tiyaking maipatutupad ang travel ban at hindi ito malalabag.
Kasabay nito, inanunsyo rin ng Ombudsman na mahaharap na sa preliminary investigation sina Romualdez, dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co, at iba pang indibidwal kaugnay ng umano’y iregularidad sa multi-bilyong pisong flood control projects.