Magtutulungan na ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) para mapalakas ang cybersecurity ng mga media worker sa bansa.
Kasunod ito ng paglagda sa isang m
Memorandum of Agreement (MOA) ng dalawang ahensya para sa proteksyon ng mga mamamahayag laban sa cyber threats, online harassment, at iba pang uri ng digital attacks.
Sa ilalim ng kasunduan, magkakaroon ng mas maigting na koordinasyon sa referral, monitoring, at imbestigasyon ng mga cybercrime cases na kinasasangkutan ng mga media workers.
Ayon kay CICC Executive Director Undersecretary Renato “Aboy” Paraiso, mahalagang maprotektahan ang mga mamamahayag na palaging nasa frontline sa paghahatid ng tama at napapanahong impormasyon sa publiko.
