Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sina Australian Foreign Minister Penny Wong at Japanese Foreign Minister Toshimitsu Motegi sa magkahiwalay na courtesy calls sa Malacañang.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sumasalamin ito sa commitment ng Pilipinas para sa mas matatag at mas malawak na ugnayan ng bansa sa Japan at Australia.
Napapanahon ang pulong na ito, lalo’t ang Japan at Pilipinas ay ipagdiriwang ang ika-70 anibersaryo ng normalization of diplomatic relations ng dalawang bansa.
Kung matatandaan, nitong May 28, 2026, naiangat sa Comprehensive Strategic Partnership ang ugnayan ng dalawang bansa, kasabay ng state visit ni Pangulong Marcos sa Japan.
Bilang comprehensive strategic partners, ang Pilipinas at Japan ay nakapirma na sa 306 bilateral agreements, as of June 2026. Kabilang dito ang mga kasunduan sa trade and investment, defense equipment and technology transfer, infrastructure development, at mga inisyatiba para sa pag-unlad ng Mindanao.
Samantala, ipinagdiriwang naman ng Pilipinas at Australia ang ika-80 anibersaryo ng kanilang formal diplomatic relations nitong July 4, kung saan kinilala ang malalim na ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng depensa, seguridad, kalakalan, edukasyon, at regional affairs.
Mayroong 124 bilateral agreements ang Australia at Pilipinas, kabilang ang mga kasunduan sa air services, research, scientific and cultural cooperation, migration management and border control, at iba pa.
Present din sa pulong sa Palace Study Room sina Executive Secretary Ralph Recto, Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Maria Cristina Roque, at National Security Adviser (NSA) Eduardo Oban Jr.