Photo courtesy of BIR
Nagkasundo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Alliance of Tech Innovators for the Nation (ATIN) na palakasin ang tax compliance ng mga online seller at MSMEs.
Sa ginanap na pulong, tinalakay ng dalawang panig ang mga programang magpapalawak ng tax education.
Kabilang dito ang webinar ng BIR sa Hulyo 28 para sa mga online seller at MSMEs, na sinuportahan ng ATIN.
Napag-usapan din ang pagpapatupad ng BIR Seal Badge para sa mga online seller at ang mga hakbang ng digital platforms sa monitoring.
Tiniyak ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza na magbibigay ito ng gabay sa mga sumusunod sa batas at magpapatupad ng takedown orders laban sa mga sadyang hindi compliant.