Screengrab courtesy of PTV
Binuo ng Department of Agriculture (DA) at South Korea ang isang digital platform para mapabilis ang paghahatid ng serbisyo at ayuda sa mga magsasaka.
Ang Agriculture-Based Central Data Ecosystem o AbCDE Platform ay gagamit ng real-time data at artificial intelligence para pagsamahin ang mga impormasyon sa agrikultura.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., makatutulong ang sistema sa mabilis na pagtukoy ng benepisyaryo, pagsubaybay sa suplay ng pagkain, at paggawa ng polisiya.
Sinabi ng Kalihim na bahagi ito ng digital transformation ng ahensya para mapaayos ang lumang sistema sa sektor.
Iniulat ng DA na napababa ng 80% ang oras ng pagproseso ng ilang programa gamit ang bagong sistema mula 26 araw ay naging limang araw.
Layunin ng platform na mapalakas ang food security at mapabilis ang serbisyo para sa mga magsasaka at mamimili.