Naging malakas ang panawagan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Ma. Theresa Lazaro sa mga Foreign Minister at ilan pang kinatawan ng ASEAN sa pagbubukas ng 59th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting.
Dito binigyang-diin ng kalihim, na humaharap ngayon sa matitinding pagsubok ang ASEAN na inilarawan ni Lazaro sa tatlong salita, “upheaval, uncertainty at unpredictability”.
Giit ni Lazaro, na tulad ng paghahanap ng mga panibagong daan at gabay sa pamamalakaya hindi rin umaasa ang ASEAN sa mga lumang static maps kung hindi sa mga makabagong paraan kung saan magkaka-kapit bisig ang bawat bansang kasapi ng ASEAN.
Hindi lang sumasabay sa alon ang ASEAN kung hindi ito mismo ang nagtitimon ng bangkang inilalayag nito na naka-angkla sa nalalapit nang ika-50 anibersaryo ng Treat of Amity and Cooperation o TAC.