Photo courtesy of Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Handa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makipagdiyalogo sa grupong MANIBELA para pakinggan at tugunan ang mga hinaing ng mga jeepney driver kasunod ng ongoing na transport strike.
Ayon kay LTFRB Chair Atty. Vigor Mendoza II, bukas ang ahensya na makipag-ugnayan sa mga transport group para makahanap ng pinaka mainam na solusyon sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Aniya, pinaiigting na nila ang pag-aaral sa cost-income comparison para matukoy kung mas makabubuti ang pagpapalawak ng fuel discount o ang pagpapatupad ng fare increase.
Kaugnay nito, may pulong din ang LTFRB chief sa mga regional director ng ahensya para konsultahin ang sitwasyon sa iba’t ibang panig ng bansa bago magpasya sa mga susunod na hakbang.