Pinalagan ni House Prosecutor Rep. Terry Ridon, ang pahayag ng panig ng depensa na isang “tsismis” lamang ang umano’y pagbabanta ni Vice President Sara Duterte sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng kanyang pamilya.
Binigyang-diin ni Ridon na hindi maituturing na tsismis ang isang pahayag na mismong sa bibig ng Pangalawang Pangulo nanggaling, lalo’t kasalukuyan pa itong naka ilalim sa isang open and active investigation.
Bukod dito, buo rin ang tiwala ng tagapagsalita na hindi “natibag” si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa unang araw ng pagharap nito sa impeachment court.
Kumpiyansa si Ridon na mananatiling matatag ang opisyal sa nakatakda nitong pagharap muli ngayong hapon para sa cross-examination ng panig ng depensa.