Tinututukan na ngayon ng Cybercime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pagpapalakas pa sa kanilang sistema bunsod ng pagsipa ng bilang ng mga natatanggap nilang tawag patungkol sa mga insidente ng cybercrime at mga kahalintulad na insidente.
Sa panayam ng programang BOSES kay CICC Executive Director Undersecretary Aboy Paraiso, senyales ito ng mas lumalakas ng tiwala ng publiko sa CICC at sa pamahalaan sa pagresolba ng mga nagsulputang cybercrime na isa sa mga pinatututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Base sa tala ng CICC, nasa 60% ng mga natatanggap nilang reklamo ay may kaugnayan sa financial scams o mga modus na may kaugnayan sa mga nagpapanggap na bangko o financial institutions na nambibiktima ng mga inosenteng indibidwal.
Giit naman ng CICC na mataas din naman ang resolution rate ng mga ganitong uri ng kaso lalo’t pinalalakas na rin ng CICC ang kanilang kampanya kontra mga cybercrime.