Inihayag ng House prosecution panel na hihilingin nila sa Senate Impeachment Court na ipagpatuloy pa rin ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte sakaling magbitiw ito sa tungkulin, ngunit kinikilala nilang ang hukuman pa rin ang may huling pasya ukol dito.
Sa isang pulong balitaan, tinalakay nina House Trial Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry L. Ridon, at private prosecutor Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. ang legal na epekto ng posibleng pagbibitiw.
Nang tanungin hinggil sa mga tsismis na posibleng mag-resign si Duterte habang nasa ibayong dagat hanggang July 31, sinabi ni Ridon na wala silang natatanggap na gayong impormasyon.
Nang tanungin kung ano ang mangyayari sa kaso sakaling magbitiw ang Bise Presidente, iginiit ni Ridon na dapat magpatuloy ang paglilitis dahil hindi lamang ang pagpapatalsik sa pwesto ang nakataya rito.
Aniya, ang pinag-uusapan din po dito iyong habambuhay na disqualification from public office.
Paliwanag ni Ridon kaugnay ng probisyon sa Saligang Batas ukol sa permanenteng diskwalipikasyon sa paghawak ng pampublikong posisyon.