Ipinangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na pag-develop sa Port of Lucena upang mahabol ang mabilis na paglaki ng demand o volume ng pasahero at cargo traffic sa CALABARZON at mga katabing rehiyon.
“But that’s good. Good for the commerce of the region. Good for Lucena. Good for Quezon. Good for all of the surrounding ports also.” — Pangulong Marcos
Sa pag-iinspeksyon ng Pangulo sa Port of Lucena Passenger Terminal Building sa Quezon, sisiguruhin ng pamahalaan na magtutuloy-tuloy ang development na ito.
“But of course, we will continue to develop. As I said, what my experience is, pag nagpapatayo tayo ng infrastructure, kung anuman ang itatayo mo, mapupuno ‘yan. Kaya sasabihin mo, good na ‘yan for 10 years. Now, nauna ‘yung taon at napupuno.” — Pangulong Marcos
Ang upgrade sa pasilidad na ito, ayon sa Pangulo, ay layong masiguro ang convenience at pagiging maganda ng experience sa pagbiyahe ng mga mananakay.
Gayundin, upang magkaroon ng pansamantalang masisilungan ang mga ito tuwing masama ang panahon.
Umaasa ang Pangulo na ang passenger terminal building ay ganap nang magagamit sa susunod na buwan.
Ang Port of Lucena ay nagseserbisyo sa 500,000 travelers kada taon.
At ang konstruksyon ng ₱153.43 milyon na new passenger terminal building ay kinabibilangan ng 1,268.19-square-meter pre-departure area na may passenger seating capacity para sa 928 pasahero.
Mayroon na rin itong terminal fee booth, ticketing counters, nursing at prayer rooms, at 100-kilowatt solar panel system.
Ang Port of Lucena, na matatagpuan sa Brgy. Talao-Talao, Lucena City, ay nagsisilbing gateway na kumokonekta sa Southern Luzon at Marinduque.