Tiniyak ng Quezon City Government ang tuloy-tuloy na operasyon ng libreng Q City Bus sa walong ruta sa lungsod para matulungan ang mga commuter na maaapektuhan ng transport strike ng grupong Manibela, ngayong July 22 hanggang 23.
Kabilang sa mga rutang patuloy na magbibigay ng libreng sakay ang QC Hall–Cubao, QC Hall–Litex/IBP Road, Welcome Rotonda–Aurora Katipunan, QC Hall–General Luis, QC Hall–Mindanao Avenue via Visayas Avenue, QC Hall–Gilmore, QC Hall–C5/Ortigas Avenue Extension, at QC Hall–Muñoz.
Bukod dito, magpapakalat din ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) ng mga traffic enforcer para umalalay sa mga motorista at pasahero at mabawasan ang abalang dulot ng transport strike.