May handog na libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) at iba pang ahensya ng pamahalaan ngayong araw, July 22.
Ito’y bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na tiyaking may ligtas na masasakyan ang mga komyuter sa kabila ng tigil-pasada ng grupong MANIBELA sa ilang lugar.
Ayon sa DOTr, epektibo ang libreng sakay mula mula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga at masusundan naman ng alas-5 hanggang alas-8 ng gabi.
Kabilang sa mga ruta ng libreng sakay ang Welcome Rotonda-Fairview; Recto-Cubao via Nagtahan; Quiapo-Cubao via E. Rodriguez; Quiapo-Fairview; Kalentong-Pasig Palengke; at PITX-Lawton at pabalik.
Katuwang ng DOTr sa pagbibigay ng libreng sakay ang Philippine Coast Guard, Department of Energy, Department of Public Works and Highways, Department of Economy, Planning, and Development, at Department of Labor and Employment.