Mahigit isang milyong bata sa Metro Manila ang nabakunahan laban sa tigdas at rubella sa isinagawang supplemental immunization activity ng Department of Health-National Capital Region (DOH-NCR).
Umabot sa 87.1% ang vaccination coverage sa rehiyon matapos mabakunahan ang mahigit isang milyon at 45,000 mga batang edad anim hanggang 59 buwan mula sa target na 1.2 milyon hanggang June 30.
Nalampasan naman ng Parañaque, Makati, Manila, Pasay, Navotas, Mandaluyong, Pasig, at Quezon City ang 95% target. Pinakamaraming nabakunahang bata ang naitala sa Quezon City na umabot sa mahigit 262,000.
Gayunman, sinabi ng DOH-NCR na mababa pa rin sa target ang routine measles-rubella vaccination coverage sa rehiyon. Hinikayat ang mga magulang na dalhin sa pinakamalapit na health center ang mga batang hindi pa kumpleto ang bakuna, na libre sa ilalim ng National Immunization Program.
