Nakalatag na ang security measures ng Quezon City Police District (QCPD) para sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 27.
Ayon kay QCPD Chief Police Brig. Gen. Randy Glenn Silvio, magpapakalat sila ng sapat na bilang ng mga personel na susuportahan ng iba pang yunit ng Philippine National Police (PNP) at iba’t ibang civilian organizations para tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa araw ng SONA.
Magsisimula ang skeletal deployment sa July 26, habang ang full deployment ng mga pulis ay nakatakda alas-3 ng madaling araw ng July 27 para matiyak ang maximum Police presence sa mga pangunahing lugar.
Inihanda na rin ng QCPD ang mga mobile patrol, communication equipment, barricades, first aid teams, at mga checkpoint at border control points para sa mahigpit na pagbabantay sa mga itatalagang security zones.
Magtatayo rin ng Multi-Agency Coordinating Center (MACC) sa QCPD Hinirang Social Hall na magsisilbing sentro ng real-time monitoring at koordinasyon ng mga kalahok na ahensya.
“Our goal is to ensure a safe and orderly environment for everyone during the President’s SONA. We are mobilizing all resources and working closely with partner agencies to secure the area and respond to any potential threats.”
📸 QCPD
