Magbibigay ng agarang tulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na maaapektuhan ng ₱85 dagdag sa minimum wage sa Metro Manila.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, gagamitin ng DOLE ang Adjustment Measures Program (AMP) upang pondohan ang mga kagamitan at hakbang na magpapataas sa produktibidad ng maliliit na negosyo.
Layunin nitong magamit ng mga employer ang kanilang kapital sa pagpapatupad ng wage increase nang hindi agad lubhang naaapektuhan ang operasyon.
Saklaw din ng AMP ang capacity-building, business enhancement, product development, at labor compliance assistance.
Maaari ring maghain ang mga kuwalipikadong negosyo ng aplikasyon para sa exemption sa DOLE sa loob ng itinakdang 75-araw.
📸 DOLE