Nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Social Security System (SSS) sa mga Group 3 beneficiaries ng UPLIFT Assistance na mag-ingat sa mga mapanlinlang na email at text messages na nagsasabing kwalipikado sila sa programa.
Ayon sa SSS, ang opisyal na abiso para sa mga benepisyaryo ay ipapadala lamang sa kanilang My.SSS account.
Binigyang-diin din ng ahensya, na hindi ito kailan man magpapadala ng mga link, tatawag, o hihingi ng One-Time Password (OTP), password, o iba pang personal na impormasyon sa pamamagitan ng email, SMS, o ano mang messaging application.
Pinayuhan ang publiko na maging mapanuri at huwag agad mag-click ng mga link mula sa kahina-hinalang mensahe para makaiwas sa mga scam.