Patuloy ang pagpapahusay ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa kanilang mga serbisyo at pakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang mas mapataas pa ang kalidad ng mga trabaho sa bansa sang-ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, isa sa mga tinututukan nila ngayon ang pagpapababa ng job mismatch sa mga manggagawang Pilipino upang mas maayos na magampanan ng mga working professionals ang nararapat na trabaho para sa kanilang kakayahan, specialization at talent.
Binigyang-diin din ni Tolentino ang pagtutok nila sa upskilling, reskilling, at job reintegration and trainings ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na na-repatriate sa bansa o di kaya’y ninais nang umuwi ng bansa at dito magtrabaho.
Maging ang mga kaanak ng mga OFW ay kuwalipikado rin sa mga serbisyo ng DOLE sa pakikipag-tulungan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang mabigyan sila ng disenteng trabaho.