Photo courtesy of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
Kasado na ang traffic plan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes, July 27.
Sa panayam ng programang BOSES kay MMDA General Manager, Undersecretary Nicolas Torre the third, aprubado na ng Office of the Sergeant at Arms ang nasabing traffic plan at sasailalim na lang ito sa rehearsals at stress test, na pagaganahin bukas at sa darating na weekend.
Ilalagay din ng MMDA ang mga abiso patungkol sa traffic rerouting plan gayundin sa mga dapat tandaan pagdating sa dadaanang main routes, alternate routes, zipper lane, at mga ipatutupad na blockade.
Ibinida rin ni Usec. Torre ang mga napagtagumpayan ng MMDA sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. partikular sa larangan ng Traffic Management Plan.