Suportado ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ideya ng pagbibigay ng parangal sa dalawang sugatang tauhan ng Philippine Navy na naging biktima sa pinakahuling insidente ng pambu-bully at pangha-harass ng China sa Ayungin Shoal.
Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela nararapat lamang sa dalawang sundalo anomang mataas na pagkilala ang maaaring maigawad sa kanila ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Tarriela, saludo sila sa propesyunalismo at kabayanihan na ipinamalas ng mga naturang tauhan ng Navy habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Sa katunayan kung siya mismo ang tatanungin ay nararapat lamang na gawaran ng parangal ang mga ito—tulad ng ginawang pagkilala sa tauhan ng Philippine Navy na naputulan ng daliri noong 2024 dahil din sa pangha-harass ng China.
