Inaasahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lalo pang pagtindi ng mga agresibong aksiyon ng China sa West Philippine Sea kaugnay ito ng nangyaring insidente sa Ayungin Shoal.
Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, mananatiling matatag ang kanilang puwersa katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensiya ng pamahalaan upang ipagtanggol ang teritoryo at soberanya ng bansa.
Giit ni Tarriela na tahasan na talaga ang ginagawang mga paglabag ng China sa international rule of law kaya naman lalong hindi dapat magpa-siil ang bansa.
Ang mahalaga sa ngayon ay hindi magpabuyo ang Pilipinas at manatiling matatag sa kabila ng escalatory actions na ginagawa ng China.