Nakahanda na ang papalo sa 1,500 pulis mula sa Police Regional Office 3 o PRO-3 para sa gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes, July 27.
Sinabi ni PRO-3 Regional Director Police Brigadier Gen. Jess Mendez na patikular nilang tututukan ang pagtiyak ng seguridad sa Ayala Bridge at Mendiola.
Kabilang kasi ang mga lugar na ito sa inaasahang point of convergence ng pagtitipon ng mga raliyista at iba pang kaugnay na aktibidad sa araw ng SONA.
Dagdag pa ni Mendez, na magiging mahigpit ang kanilang pagbabantay at hindi magpapaka-kampante kahit wala pang namo-monitor na banta sa darating na SONA.