Sa isang mahinahon ngunit direktang pananalita, sinagot ni impeachment lead prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang pakiusap ni Senator-judge Robin Padilla na huwag sanang maging “one-sided” ang panig ng prosekusyon.
Ipinaliwanag ni Luistro, na likas sa tungkulin ng prosekusyon ang maging “biased” o magkaroon ng kiling upang patunayan ang kaso laban kay Vice President Sara Duterte.
Aniya, ang impeachment trial ay isang “adversarial proceeding” kung saan malinaw ang magkaibang papel ng magkabilang panig.
Binigyang-diin pa ni Luistro, na mas magiging kaduda-duda kung magpapakita ng kawalan ng kiling ang kanilang hanay sa gitna ng paglilitis.
Paalala ni Atty. Kapunan sa mambabatas, na hindi dapat maging “one-sided” at kailangang manatiling walang kiling ay ang mga tulad ni Padilla na tumatayong senator-judge sa impeachment court.