Binuksan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mahigit ₱520 million na emergency loans para sa mga government worker at pensioner na apektado ng dengue outbreak sa La Union at sugarcane pest infestation sa Negros Occidental.
Ayon sa GSIS, nasa 21,153 eligible active members at pensiyonado ang maaaring mag-apply sa tulong pinansyal.
Hanggang August 16 ang deadline para sa mga uutang mula sa Bagulin, La Union, na isinailalim sa state of public health emergency dahil sa dengue outbreak.
Sa kabilang dako, hanggang August 14 ang deadline ng application sa Negros Occidental na isinailalim sa state of calamity dahil sa pamemeste sa sugarcane.