Nananatiling nakatutok ang Malabon City Government sa sitwasyon ng mga commuter sa gitna ng nagpapatuloy na transport strike ng ilang transport groups.
Sa direktiba ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval, ipinatutupad na ang contingency plan ng pamahalaang lungsod para matiyak ang tuloy-tuloy na biyahe ng mga residente.
Ayon sa alkalde, hindi nila hahayaang maantala ang pagpasok ng mga Malabueño sa trabaho, paaralan, at iba pang mahahalagang lakad.
Kaugnay nito, nananatiling naka-standby ang pitong sasakyan ng LGU para magbigay ng libreng transport assistance at agarang makatulong sa mga commuter na maaaring ma-stranded.
Una nang tiniyak ng mga lokal na transport group, kabilang ang Malabon Jeepney Transport Service Cooperative (MAJETSCO), mga Tricycle Operators and Drivers Association, at Pedicab Operators and Drivers Association, na hindi sila makikilahok sa transport strike.
📸 Malabon LGU
