Nakipagpulong na si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Vigor Mendoza II sa mga lider ng iba’t ibang transport group para talakayin ang epekto ng panibagong pagtaas ng presyo ng langis at mga hakbang ng pamahalaan para matulungan ang sektor.
Sa pulong, binigyang-diin ni Mendoza na muling susuriin ng LTFRB ang posibleng fare adjustment para matiyak na magiging angkop ito sa kasalukuyang pangangailangan ng mga driver at operator, habang isinasaalang-alang din ang epekto nito sa mga pasahero.
Kasabay nito, siniguro rin ng LTFRB ang patuloy na pagpapalawak ng pagpapatupad ng ₱10 kada litrong fuel discount upang mas marami pang public utility vehicle (PUV) drivers at operators ang makinabang.
Tiniyak pa ni Mendoza na agad isasagawa ng ahensya ang mga kinakailangang hakbang para matugunan ang pangangailangan ng sektor ng pampublikong transportasyon.
