Inaasahan ng House prosecution team na haharap si Davao City Mayor Sebastian Duterte bilang witness sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House Impeachment Panel Spokesman Rep. Zia Adiong, na-subpoena na si Mayor Baste at inaasahang haharap sa Senate Impeachment Court.
Posible rin umano siyang ideklarang hostile witness, ngunit kailangan muna siyang i-qualify ng Impeachment Court.
Mahalaga umano ang kanyang testimony dahil sa kanyang dating posisyon bilang mayor at chairman ng Bids and Awards Committee.
Sinabi ni Adiong na may kaugnayan ito sa mga government contracts na kanilang sinusuri.
Iniugnay rin ng prosecution ang mga dokumento tungkol sa business interests na nakasaad sa SALN ni VP Sara.
Iginiit ni Adiong na ang mga dokumento at testimonya ay bahagi ng ebidensiyang kanilang inihaharap upang suportahan ang mga alegasyon sa impeachment case.