Pinaaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga operator at drayber ng pampublikong sasakyan na tiyaking nakapaskil ang updated fare guide o fare matrix sa loob ng kanilang mga sasakyan.
Kailangan itong maipaskil bago ipatupad ang aprubadong taas-pasahe simula bukas, Setyembre 28, 2026.
Una nang inaprubahan ng LTFRB ang fare increase para sa iba’t ibang uri ng pampublikong sasakyan, kabilang ang mga point-to-point at provincial bus, metro o city bus, public utility jeepney, TNVS at airport taxi.
Maaaring i-download nang libre ang updated fare guide sa opisyal na website ng LTFRB na ltfrb.gov.ph.
Hinimok ng ahensya ang mga commuter na ireport ang anumang pampublikong sasakyang walang nakapaskil na updated fare guide.
Maaaring tumawag sa 1342 Hotline o mag-message sa opisyal na Facebook page ng LTFRB para sa mga reklamo at kaukulang aksyon.