Tiniyak ng Landbank of the Philippines sa pamamagitan ng payment network partner nito na maayos at secured ang paggamit ng Government Purchase Card (GPC).
Ayon kay Visa Country Manager for the Philippines Jeffrey Navarro, protektado ang seguridad ng mga cards mula sa pag-hack o anumang tangkang pagsabotahe sa payment system ng pamahalaan.
Paliwanag nito kung anong ginagamit na sistema ng VISA sa mga corporate, private, at commercials cards nito ay kaparehong seguridad din ang kanilang ipinapatupad sa GPC.
Gaya aniya ng mga normal credit card detectable at mababantayan ng kanilang sistema ang mga posibleng fraud transactions.
Ang GPC ay isang credit card kung saan maaring i-customize ng isang ahensya ng pamahalaan ang credit limit nito at mga lugar at tindahan o suppliers na pwedeng paggamitan para sa halip na cash transactions na magreresulta sa maraming paper process ay cashless transaction na ang gagamitin kung saan mas magiging transparent at madali ang proseso ng audit.

